   
Age: 20 na ako. kadire. haha.
Birthday: November 04,1988
***
*ang kadalasang 1st impressions sa kin puro negative, mataray, suplada, masungit, mashadong tahimik.. at sabi nga nila, 1st impressions last.. haha.. joke! ang totoo, im worst than those impressions.. =P (ay baka may maniwala..)
*masasabi kong mabibilang ko lang ung mga taong talagang nakakakilala sa kin ng sobra.. at ung iilang tao na un ang ilan sa mga reasons why i can say my life is still worth living. =) sino sila? secret. =P
*simple lang akong bata..
*madali akong mapasaya..
*pero mabilis din akong malungkot..
*iyakin ako..
*kapag masaya ako, umiiyak ako..
*kapag malungkot ako, umiiyak din ako..
*friendly ako.. =) kahit hindi halata..
*mahiyain talaga sa una..
*super minsan lang yung ako ung mag-aaproach sa tao..
*pero pagnakausap mo na ng matagal, magsisisi ka at kinausap mo ako.. =P
*madaldal ako.. at makwento.. =)
*madali din naman pakisamahan though moody talaga minsan..
*ayoko maging sensitive, kaso di ko maiwasan..
*conceited ako.. pero joke lang un.. =P
*masarap akong magmahal.. pero joke lang ulit.. haha..
*minsan tao ako, minsan dyosa.. un totoo.. =P
*mabuti akong anak at kapatid..
*mabuting servant ni God..
*syempre, mabuting kaibigan din..
*pero masama akong kaaway.. =P
*nakakatakot ako magalit kasi madami akong nagagawa. . .
*pero mas nakakatakot ako kapag depress, kasi madami akong naiisip..
*di ako selfish.. madalas nga lang, martyr na.. =P
*weird ako.. =P
*napakalabo kong tao.. pramis =)
***
*frendster ko*
*multiply acct ko po*
*friendship quiz ko*
*joHari window ko! (pasagot po.. =) )*
*johari window ko! (view niyo po.. =) )*
******
******
*official chembulok blog :P*
*ate cess*
*ate sam*
*austine*
*coy*
*deane*
*denise*
*gela*
*gouki*
*janis*
*jillian*
*jl*
*joyce*
*kate*
*kuya james*
*lara*
*lenlen*
*pouch*
*raymund*
*robert*
*ruben*
*ytle*
*zaraH*
******
MOrE aBoUt Me!!
|
Your Birthdate: November 4 |
Being born on the 4th day of the month should help make you a better manager and organizer.
You may be more responsible and self-disciplined than you realize.
Sincere and honest, you are a serious and hard working individual.
Your feelings are likely to seem somewhat repressed at times.
The number 4 has something of an inhibiting effect on your ability to show and express affections, as feeling are very closely regulated and controlled.
You are apt to be much more practical, rational, and conscious of details.
There is a good deal of rigidity and stubbornness associated with the number 4. |
| Your Blogging Type is Artistic and Passionate | You see your blog as the ultimate personal expression - and work hard to make it great.
One moment you may be working on a new dramatic design for your blog...
And the next, you're passionately writing about your pet causes.
Your blog is very important - and you're careful about who you share it with. |
| You Are Chocolate Chip Ice Cream | You are kind, popular, and generous.
You tend to be successful at anything you try.
A social butterfly, you are great at entertaining a crowd.
You are most compatible with strawberry ice cream. |
AkaLain niy0nG baBAe paLA tlGa ak0!! hehe.. ^-^
|
Your Brain is 80.00% Female, 20.00% Male |
Your brain leans female
You think with your heart, not your head
Sweet and considerate, you are a giver
But you're tough enough not to let anyone take advantage of you! |
|
You Are a Drama Princess |
(You are more dramatic than 30% of the population.)
You're not over the top dramatic, but you have your moments.
You know how to steal the spotlight...
And how to act out to get your way.
People around you know that you're good for a laugh.
But at times, your drama gets a bit too much for everyone.
Tone it down a tad, and you'll still be the center of attention. |
|
|
|
 |
|
Friday, May 18, 2007
nag-update ako ng friendster profile ko. nilagay ko dun ung mga kinakatakutan ko na iba. tas narealize ko. andami ko pa palang kinakatakutan. hehe.  tas nafeel ko silang ilista habang iniisip ko ung sched ko.. tas nafeel kong ipost dito. nyahaha. pero wag niyo akong takutin a. please? haha. pero pwede rin pala. konsensya niyo na lang kapag may nangyari sa king masama. ahehe. 1. takot ako sa dilim. 2. kasi takot ako sa mumu, sa mamaw, sa aswang, sa bampira, sa maligno, sa tyanak, sa lamang lupa.. ahmm kahit madaming nagsasabing di sila totoo, takot pa din ako. nyahaha. :P 3. takot ako sa paniki. 4. takot ako sa ipis, lalo na ung lumilipad, ah basta ipis in general. nyahaha. 5. at sa daga 6. at sa butiki at sa itlog ng butiki. nyahaha. 7. at sa palaka!! 8. takot ako sa bubuyog. 9. takot ako sa kahit anong insekto na lumilipad. except sa butterfly at sa dragonfly. 10. takot ako sa gagamba!! nyahaha. 11. takot ako makuryente. 12. takot ako malunod. 13. takot ako sa pamahiin. 14. takot ako sa kulog at kidlat. 15. takot ako makidlatan. ahehe. 16. takot ako sa nanay ko. lalo na sa tatay ko. 17. takot ako mahuli ung mga kalokohan ko. nyahaha. 18. takot ako madevelop ung powers ko at magamit ko ito sa kasamaan. nyahaha. 19. takot ako sa pamahiin. 20. takot ako sa horror movies. but i love them. hehe. :P 21. takot ako maaksidente. 22. takot ako sa opthalmologist. pero sa ibang doctor hindi. sa optha lang talaga. ahehe. :P 23. takot akong mabulag, mabingi, malumpo. 24. takot ako magkacancer 25. takot ako mabaril. 26. takot ako masaksak. 27. takot ako makagat ng aso. 28. takot ako matetano. 29. takot ako sa holdaper, sa kidnapper, sa carnapper, sa snatcher, sa magnanakaw, sa akyat bahay. sa rapist 30. takot ako sa mukhang holdaper. ahehe. 31. takot ako sa hula. ahehe. 32. takot ako matinik ng isda. hehe. 33. takot ako tumaba. *too late. hehe.* 34..takot ako may mawalang mahal ko sa buhay. 36. takot ako sa kweba. 37. noon, takot ako sa isda! swear. haha. 38. takot ako sa crocodile, sa snake at sa lahat ng reptiles. hehe. 39. takot akong magawan ng krimen nung nasa number 29. 40. takot ako sa jelly fish at sa aroma (ung tinik sa dagat). 41. takot akong manganak kahit sabi ng madami di raw .masakit un. parang masakit kaya. haha. 42. takot akong masaktan. *etchos! haha.* 43. takot akong magmahal. *etchos ulit! haha.* 44. takot ako makulong sa compartment ng kotse. hehe. 45. takot akong mastranded sa elevator. 46. natatakot ako kapag nagagalit si mama. lalo na si papa. 47. natatakot akong di maabot ang pangarap ko. *ayus* 48. takot ako magka-amnesia. pero minsan gusto ko. 49.hindi ako takot mamatay. 50. may takot ako kay Lord. asus. andami kong kinakatakutan. parang may mga nalimutan pa ako. ahehe. pero mashado ng madami yang singkwenta. ka-praningan. hehe. madalas nacoconquer ko ung mga fears na yan. pero babalik din sila agad. ahaha. life.
Posted at 09:36 am by angel_c
Permalink
wah. naggain ako ng 3 klos all through summer.  ayoko icompute sa pounds, mas sumasakit ang puso ko. nyahaha. tapos magbabakasyon pa kami.. patay patay na talaga ako. nyahaha. tapos tapos.. ung sipon ko.. lumala.. wah.. takot sa airplane.. baka masakit sa tenga.. wah..  tapos tapos.. namamaga ung mata ko for some reason.. over sleeping daw.. nyahaha.. kamusta naman ako.. ampangit ko na!!! nyahahaha. wahh.. tapos tapos.. langya talaga yang crs na yan.. sakit sa ulo..  hay buhay nga naman parang life.. ahay.. tapos na.
Posted at 08:51 am by angel_c
Permalink
Thursday, May 17, 2007
isa lang kasi. biglang pumasok sa isip ko ngyon. sana buhay pa ang silent sanctuary pagkinasal ako. gusto ko sila kakanta ng wedding song ko years from now. nyahahaha. perfect!  hay... i so0oo heart them na.. aun lang.
Posted at 06:32 pm by angel_c
Permalink
*sniff* *sniff* ayoko talaga ng nagkakasipon.  hindi ako makakain ng halo halo, ng ice cream.  pinagbabawalan din akong kumain ng matamis at ng kahit anong malamig.  laging barado ung ilong mo, at di mo na malaman ang magiging posisyon mo kapag matutulog ka.  tapos haching ka ng haching sa mga oras na di mo inaakalang hahaching ka tapos *spray!!* kawawa naman ung mga nasa paligid mo..  para mawala ung sipon mo.. pwede kang bigyan ng tatay mong doktor ng mga gamot.. pero kelangan tulungan mo ang sarili mo.  wag kakain ng halo halo, ng ice cream at ng kahit anong matamis.  wag din iinom ng kahit na anong malamig para naman hindi lumala.  shempre wag kakaligtaan ang pag-inom ng gamot.  at dapat ilagay sa utak na ang paggaling mula sa karamdamang iyon ay hindi ura-urada, na pagkainom mo ng gamot, *viola!!* - i'm sipon-free na! kelangan ng panahon.  at naisip ko.. ang pagkakaroon ng sipon ay parang bitterness.. hindi mo magawang maging masaya dahil sa nararamdaman mo..  punong puno ng galit ang iyong heart..  pwede kang tulungan ng madaming tao para mapagaan ang pakiramdam mo.. pero kelangan mo ding tulungan ang sarili mo..  ikaw at tanging ikaw lang..  pero shempre kelangan ding tandaan na ang pagkawala ng bitterness sa katawan ay hindi ura-urada.. it takes time..  isa pa isa pa!!  ang pagkakaroon ng sipon ay parang pag-eenlist sa crs.. mapipikon ka sa napakawalang puso at napkawalang pakikisamang pagtrato sayo ng mahiwagang crs.  malulungkot ka dahil napakawalang kwenta ng mga nkuha mong subjects at nararamdaman mo na ang hirap na dadanasin mo pagdating sa enrollment.  maaaring pagaanin ng ibang tao ang iyong loob sa pagdamay sayo sa pagkakait din ni almighty crs ng mga magagandang subjects sa kanila.. pero ang tanging makakatulong sayo ay ang sarili mo.. go lang ng go!  hindi dapat sumuko dahil 1st run pa lang naman.  at laging tatandaan na.. ang pag-enlist sa crs ay hindi ura-urada.. crs takes time..  *crs.. ambagal mo..* o diba ang cool. sipon = bitterness. bitterness = crs. (nyahaha. rhyme pa!) *pagpasenshahan. ako ay nagbibitter sa crs.* *at kelangan kong iencourage ang sarili ko. whew.  *
Posted at 03:37 pm by angel_c
Permalink
Wednesday, May 16, 2007
sige na nga.
masaya na ulit ako.
ang galing. ang babaw ko talaga.
mabilis talaga ako sumaya.
kung tamang timing at banat lang.
haha.
tulad ngayon. :P
Posted at 04:13 pm by angel_c
Permalink
Tuesday, May 15, 2007
minsan naisip ko.. ano kayang buhay ang nagiintay sa kin pagwala na ako sa puder ng mga magulang ko? natatakot ako. parang di ko kasi kakayanin. haha. though minsan naiisip ko na kaya ko yun dahil lumaki naman ako bilang isang independent na bata sapagkat namalagi ako sa manila ng miminsan lang nakakapiling ang aking mga magulang. pero binabatukan ko pa din ung sarili ko kapag naiisip ko to at nasasabi na "tange! di ka independent kasi ung allowance mo galing sa mga magulang mo". at naisip ko pa ulit, "hala. sabi ni mama, pagkagraduate ko daw at pagkatrabaho ko, hindi na nila ako bibigyan ng allowance!" patay. hehe. kaya naisip ko na magdoctor.  haha. pero joke lang un na gusto ko magdoctor dahil sa allowance. haha. pabigat.  pangarap ko naman talaga noon pa man na manggamot. noon pa nga, sabi ko libre ang panggagamot ko, ngayon pinagiisipan ko pa kung ililibre ko.  hehe. pangarap ko gawin ung mga ginagawa ni papa. kasi parang ang talitalino mo kapag doctor ka. ang cool. hehe. ang cool magpaanak, ang cool ng caesarian. ang cool talaga pag may nagpapacheck up at nalalaman mo kung anong sakt nung pasyente. hehe.  tapos nung nagchem ako. naisip ko na baka para talaga ako sa medicine. kasi maganda naman daw na premed ang chem. pero sa hirap na pinagdadaanan ko sa kapnayan, napapaisip ako kung gusto ko pa mag-aral. hehe.  madami rin naman kasing magandang opportunities sa chemistry. pero ayaw ko magturo. hehe. though mukhang exciting maglab instructor habang nagmamasters. hehe.  balak ko din na magboards muna sa chemistry tapos tyaka magtake ng nmat. para kapag tinamad ako mag-aral licensced chemist ako.  tapos mas mataas kong pangarap, dahil indemand naman daw ang chemistry sa ibang bansa, magsstates ako. tapos dun ako mag-aaral ng medicine sa sarili kong kayod. haha. go love story in harvard!  pero bago naman ako makapagstates, kelan nakamaster's degree din ako, atleast para naman competitive ako sa ibang applicants diba?  pero pangarap lang din un.. minsan naman.. kapag nakakaring ako ng mga kwento ng mga kaibigan at pinsan kong nagnunursing.. naiinggit talaga ako. naiisip ko na sana talaga nagnursing na lang ako. siguro masaya pa sila mama, kasi gusto naman talaga nila na magnursing ako dahil gusto nila na mag-abroad ako. to think na may background na ako sa mga ginagawa ng mga nurse dahil sa ospital namin noon. e di pa nga ako nakakatungtong ng college, nakapanood na ako ng sinsi-cs. ahehe.  *yabang* at kakapanood ko lang ng normal delivery ngayon. hehe. ;P ang cute nung baby boy =) pero pag naiisip ko un, nasasabi ko lang na noon, pinagdasal ko na un.. sabi ko kay Lord kung para talaga ako sa nursing, para ako dun. e kahit sa ust ndi ako nakapasa ng nursing. so siguro, ndi talaga ako para sa nursing, para ako sa nurse. *ay! haha.  * atyaka gusto ko nga kasi talaga magmedicine. at dinidiscourage ako nila mama na magmed kapag nagnursing na daw ako. sabi kasi nila may mga doctor nga na nagnunursing e. tapos kapag nursing na ako, magmemed pa ako. at siguro nga kapag nagnursing ako at nakagraduate e masilaw na ako sa fortune na maaaring ibigay skin ng nursing ndi na ako makapagmed e pangarap ko nga kasi un. haha.  tapos naiisip ko din.. kung gusto ko ba sa america ako titira. parang ayaw ko mapalayo sa mga magulang ko ng matagal na panahon. hindi ko kaya yun. siguro kapag mayaman na ako magtotour na lang kami  hehe.. kasama ang buong family  pero parang di ko rin kayang tumira dito sa probinsya namin kung saan kilala ka ng lahat ng tao at nababantayan lahat ng galaw mo. baka pati magpulitika lang ako kapag andito ako  hehe. though madami nga ang nagsasabi na sayang naman ung pinundar ni papa dito. ung clinic at ang pagging director niya sa district hospital. pero ayaw ko talaga. hehe. iniisip ko din kung makakapagasawa ba ako at magkakaanak. para kasing anliit liit ko e.  hehe. o magiging matandang dalaga at papasok sa kumbento. oo, open pa rin ako sa idea na baka nga may call ako to serve the Lord. kahit madaming nagsasabi na di ko daw kakayanin sa loob ng kumbento. feeling ko magiging masaya ako dun. hehe. andami kong iniisip no? hehe. natatakot lang sigro talaga ako sa future. hehe. wala naman kasi talagang nakakaalam sa tin ng mangyayari. pero sana khit ano man ang mangyari, dapat masaya lahat  *ansarap ng feeling ko. haha. kakaiba ang panonood ng may bagong silang sa mundong ibabaw, pano pa siguro kung ikaw ung gagawa, pero ayaw ko mag-ob. haha. pero pwede rin pala. =P*
Posted at 04:36 pm by angel_c
Permalink
Monday, May 14, 2007
responsable ka bang Pilipino? :P
ako, oo. hehe.
as early as 9 this morning, nakaboto na ako. haha. (excited? :P) ndi naman. para lang maunti pa ang tao. hehe.
masaya naman ang pagboto. bukod sa pagpila at sa napakainit na mga classrooms. nakakatuwa ung feeling na naexercise ko na ang aking right to vote.
pero shempre kaakibat nung katuwaang un, ung pangamba na baka katulad sa mga nagdaang eleksyon, e magkaroon ng dayaan.
sa totoo lang, ngayong eleksyon na to ako sobrang nag involve sa mga pangyayari. as in nakikinig ako sa mga balita tungkol sa halalan, mga updates etc.
ngayon lang ako mashadong naapektuhan sa pagtakbo nung mga kandidato na sa tingin ko ay wala talagang karapatan kahit sa pagtakbo lang. ganun. hehe.
at dito naman sa probinsya, shempre, ndi ko ganun kaclose ung mga taong tumatakbo. haha. pero nalulungkot ako kapag may nariring ako na namemersonal si ganito, namimigay si ganyan, nanunuhol etc.
nakakasad kasi na sa sobrang kagustuhan nila sa bayan, mashado na silang desperado, o gusto ba talaga nilang maglingkod sa tao o kaya lang sila tumakbo para sa sariling interest nila..
nax. haha.
sana naman magling malinis ang eleksyon ngaun. kahit sinasabi ng lahat ng kakilala ko na sa kahit saang sulok ng pilipinas e laganap ang pandaraya.
sabi nga ng anak ni janno gibbs dun sa isang pelikula nila noon noon noon pa, nung kinausap nung bata ung nangongopya sa kanya, "Cheaters never win".
sana nga. :P hehe..
para naman di mawalang bahala ang pagiging isang responsableng pilipino ko. ahehe. :P
*birthday din ng kapatid ko ngaun!*
*happy birthday babam!*
Posted at 10:52 am by angel_c
Permalink
Sunday, May 13, 2007
happy mother's day to all moms out there! :)
wahaha. muntik na akong hindi makapaginternet ngaung araw na to. masarap kasi matulog.  pero shempre di naman ako papayag na matatapos ang mother's day ng di ko pinagmamalaki ang mom ko sa internet. kahit shempre di niya naman to mababasa. hehe. last year, dinescribe ko ata si mama. hehe. ngaun, ipopost ko na lang ung tulang gift ko sa kanya nung birthday niya (hehe. kuripot no, dinadaan ko lang sa tula ung gifts ko.  *note, pati si papa, tula lang din regalo ko. haha. at di ko pa nabibigay ung regalo ko kay mama ngaun for mother's day dahil di ko pa tapos dahil crammed siya at personalized. hehe. :  )
Maaring
may hula na po kayo, Kung
ano ang ibibgay kong regalo. Katulad
ng aking binigay kay papa Ang
aking mensahe sa isang tula. *nauna kasing magbirhday si papa, e ang gift ko sa kanya tula din na ginawa kong pangdecor*
Di na po ako magpapaliguy-ligoy pa Nais ko po kayong batiin ng isang kaarawang
maligaya. Pagkat kaligayahan ang tanging hangad ko Sa isang kaibigan, asawa at inang katulad niyo.
Napakaswerte
po namin ng kapatid ko Dahil
ang ina namin ay kayo. Napakasuwerte
rin po ni papa Dahil
kayo ang kanyang asawa.
At sabi nga ng inyong mga kachika Napakasuwerte nila Pagkat kaibigan ka daw nila “rich and famous” pa nga kumbaga.
Di
ka lamang isang mabuting kaibigan, asawa at ina, Isa
ka ding mabuting tao kahit di nakikita ng iba. Ang
iyong ngiti at tawang nakakahawa, Pinagkukunan
ng iba ng sigla.
Kaya naman pag-init ng ulo ay bawasan Pagkat masama din yan sa iyong katawan. Bukod sa pagdagdag ng wrinkles sa mukha. Bibilis lamang ang
iyong pagtanda.
Natutuwa
rin po pala ako sa inyong balita Pagdadasal
ng rosaryo inyo na pong ginagawa. Ngunit
wag muna po kayo masyadong magpakabait Dahil
hindi pa po kayo pwedeng pumunta sa langit.
Dapat ay magtagal pa kayo sa aming piling Kayo ni papa, yan nawa’y Kanyang dinggin. Walang dapat mauna, walang dapat mahuli Pagkat
kawawa naman kaming inyong mga baby. *hanggang ngaun, baby pa rin ang turing sa min ng parents ko at sa tingin ko, ganun na un for the rest of our lives. :P*
Kayo
ang nag-iisang ina na sa ami’y nagluwal Mahaba
niyo pong buhay patuloy naming
pinagdarasal. Manatiling
matatag sa lahat ng oras, Sa
lahat ng pagsubok, di tayo aatras. *my mom is a breast cancer survivor and i am sooo proud of her =)*
Ano pa nga ba mga katangian na aking kinatuwa Sa loob ng labing walong taon sayo’y aking nakita? Ang sa tingin kong sa lahat ay pinakamahalaga, Ang iyong walang
hanggang pagmamahal sa ating pamilya
Ang
inyong pagmamahal sa amin, aking lubusang nadama At
nais kong ibalik sa inyo ni papa. Ganun
din ang aking nakita sa’yo kina lolo at lola nung sila ay buhay pa. Wag
na po kayong mag-alala, sila’y masaya
na. *asa heaven na sila lolo at lola*
Ang inyong pagbibigay ng sobra sobra Ito ay aking laging nakikita At hindi ko pinagwawalang bahala Maraming salamat para sa lahat ng ito, mama.
Ang inyong pagiging iyakin Na
aking namana mandin. *so true!* Ngunit
di naman nito ibig sabihin na tayo’y mahina Nawa’y
ito po’y alam niyo sa tuwina.
Ang inyo pong pagkatakot sa araw, *namana ko din kay mama. haha.* Nang ang pekas ay di madagdagan daw. Ang inyong pagsisipag maglinis Na isa ding
magandang gawaing pagpapawis.
Ang
hiling ko para sa kaarawan niyong ito Pagmamahal
at kaligayahan mapuno ang inyong puso. At
laging tandaan ako’y lagi lamang andito Kasama
si jumboy at papa tuwing kailangan niyo.
*jumboy ang nickname ko sa brother ko*
Bagama’t hindi sa lahat ng oras di tayo magkasama Di ito hadlang upang di ko makita at madama Ang lahat ng iyong nagawa at ginagawa sa ating
pamilya Kaya naman, ipinagmamalaki ko po kayo bilang
aking ina.
Maligayang
bati po ulit sa inyong kaarawan! Panatilihing
maging mabuting ilaw ng tahanan. Nawa’y
maulit pa ang ating bonding Nag-eenjoy
po talaga ako, lalo na sa picture taking.
*lately nagbonding kami, nagpunta kami sa aklan, kaming 2 lang :P* Wag din po kayo mawalan ng pag-asa Ang pagpapatanggal ng taba ay kayang kaya Ang inyong pag-eexercise ay ipagpatuloy pa. Nang maging kasingkatawan si Toni Gonzaga.
Ipagpatuloy
ang pagpapahaba ng buhok Iwasang
problemahin ang bahay na binubukbok Wag
kalimutang ngumiti Sayang
naman ang pustisong bagong bili.
Sa aking ina kung kanino ako nagmana, Na talaga naming kasingganda ni dina Muli, maligayang kaarawan po! Mahal na mahal ko po
kayo.
*Happy mother's day to all moms!  * *bulong kay Lord: Lord, happy mother's day po sa 2 kong lola na kasama niyo na  * *birthday na ng kapatid ko bukas at eleksyon na.  * *vote wisely!  *
Posted at 08:37 pm by angel_c
Permalink
Saturday, May 12, 2007
naglinis ako ng cabinet kanina.
andami kong damit.
haha.
as in.
nakakagulat, ung iba dun di ko pa nasusuot.
ung iba naman di ko na masusu0t kahit never ko pang nasuot. (di ko na sila masusuot kasi ang sikip na nila. hehe.)
ung iba, pedeng pede pang costume sa mga play. cool. hehe.
ung iba damit ng mga dolls ko. hehe. spoiled. :P
pero dahil nalinis ko na ang cabinet ko. madami na akong for pabenta/pamigay.
at isang naisip ko habang naglilinis. grabe. ang spoiled ko talaga (pero di naman ata ako brat. hehe. :P) parang hindi pa gamit ung mga damit ko dun - as in parang bawat dress, once lang magagamit tapos magpapabili na ako ng bago. at shempre dahil spoiled nga ako, bibilhan nila ako.
ang cute pa, lahat ng sunday dress ko nung elementary buhay pa at maganda. pero shempre di ko na sila masusuot, isang proof na tumangkad naman ako kahit papaano (Sabi kasi ng masama kong kapatid, di na daw ako lumaki. hay.)
nakakapanghinayang nga na ipamigay - pwede pa siguro un magamit ng magiging anak ko. haha. kaso baka mas masira lang sila sa pagtago. hehe.
naka-5 plastic ata akong malalaki na puno ng damit na di ko na magagamit. hehe.
pero shempre may mga tinabi pa din akong mga dress. ung mga personal favorites ko, mga sinuot ko sa memorable birthdays ko - sa 1st at 7th birthday ko etc. hehe. balak ko magkar0on ng museum someday. haha. co0l. tapos andun din ung mga uniform ko. *clap clap clap*
nakita ko din pala ung pillow case nung unan ko nung bata hanggang elementary na lagi kong katabi at dala kahit san ako pumunta. iniwan ko na siya nung nag-hs ako sa masci. tapos nakita ko siya kanina - saya. =D (pero malamang di ko na siya magagamit - big girl na ako =) )
btw, 500+ na ang nagvview sa kin sa friendster- creepy. haha. :P
at naisip ko din pala - ndi na ako mashdong sentimental sa mga bagay bagay kasi kung ako ung dati kong sarili, wala na naman akong maiipon na maipapamigay sa mga bata o mabebenta sa ibang tao. hehe. :P
ang sun0d na lilinisin ko ung mga polly pocket ko. ahehe. :P
pero di ko sila ipapamigay. ayaw. haha. akin un e. :P ilalagay ko un sa museum ko. hehe. :P
*happy birthday ching!! =D*
Posted at 04:39 pm by angel_c
Permalink
Friday, May 11, 2007
naisip ko lang.
pano kaya kung paltan ko ung status ko ng
it's complicated
o kaya in a relationship
o kaya married.
haha.
nararamdaman ko na ang intrigang ibabato sa kin ng mga kamag-anak ko.
haha.
intriga.
parang artista.
haha.
nagffreak 0ut na ako sa mga nagvview ng profile ko.
may 11 pa lang ngaun, umabot na sa 350+ ung nagvview ng profile ko.
pero mas nakakafreak out..
more than 3/4 ata sa mga nagvview sa kin
hindi pilipino. haha.
taga indonesia, taga malaysia.
kamusta naman.
sinusundan ko ata yapak ni christian bautista.
why not.. haha. :P
pangarap kong makalove team si xtian bautista. kagwapo. hehe.
namimigay din ako ng testi ngaun.
halata bang walang magawa?
at super bored na.
haha.
:P
happy birthday pala kuya jundy!! :)
Posted at 11:46 am by angel_c
Permalink
|
|
|